Gumawa ng mga note, magdagdag ng mga file, gumawa ng mga checklist, mag-sketch gamit ang pen, mag-record ng audio, at mag-capture ng
mga sandali. Madali lang simulan
at gamitin ang Notebook, ngunit kung gusto mo ng tour, magbasa pa!
Mga naka-personalize na notebook
Magdagdag ng mga cover sa iyong mga notebook sa pamamagitan ng pagpili sa gallery ng mga hand crafted na cover o
ng anumang gusto mong piliin. Mag-swipe
ng notebook pakaliwa at i-tap ang
'i' para palitan ang cover nito.
Text Card
Magsulat ng mga note. Magsimula sa text, magdagdag ng mga imahe at sketch, mga checklist o
audio nang magkakasama sa iisang note. Sinusuportahan
ng Notebook ang maraming istilo ng text gaya ng
pag-bold, pag-italicize, pagsalungguhit, pag-strike
at
pag-highlight at
mga opsyon sa pag-format gaya ng pag-indent (pakaliwa at pakanan), mga bullet, mga numero, at
mga link. I-align ang iyong text sa kaliwa, kanan, o gitna. Mag-tap sa icon ng link sa
tool bar ng editor
para mag-link ng note sa loob ng note.
Checklist Card
Masubaybayan ang mga bagay sa pamamagitan ng nakalaang checklist card. Muling isaayos,
markahan bilang kumpleto, at i-delete
ang iyong listahan kapag may oras ka.
Audio Card
Mag-record nang hanggang 30 minuto at gawin din ito sa background. Ita-transcribe ng iOS app
ang unang minuto ng iyong
mga audio note. Maaari mong i-edit ang transcription at magsi-sync ito sa lahat ng device
na nakakatulong sa iyong hanapin
ang iyong mga audio note.
Photo Card
I-capture ang mga sandali at i-save ang mga imahe, gagamitin mo ang mga ito sa ibang pagkakataon. I-crop at
i-annotate ang iyong mga larawan gamit ang Notebook. Mag-scan
ng dokumento at i-save ito bilang pdf. Mag-scan ng business card para i-extract ang
impormasyon nito at i-save ito bilang
Card ng Contact. Gumawa ng account sa Notebook para mahanap ang iyong mga imahe gamit ang OCR
at pag-detect ng bagay
na pinapagana ng Zoho Cloud.
File Card
Itinuturing na magkakaiba at naigugrupong mga note card ang lahat ng file na idinaragdag sa
Notebook. Ang lahat ng taong
gagawa ng account sa Notebook ay awtomatikong magkakaroon ng account sa Zoho Docs,
at ng access sa online na officesuite
ng Zoho. Sa iyong account sa Zoho Docs, makakakita ka ng folder ng Notebook
na nagbibigay-daan sa iyong
magdagdag, mag-edit, at mag-delete ng mga file sa Notebook mula sa Zoho Docs.
Sketch Card
Isulat o iguhit ang iyong mga ideya gamit ang pencil, pen, marker, at
eraser ng Sketch Card. Pumili, magtalaga,
at sumubok ng mga custom na kulay at mga laki ng nib bago gamitin sa papel ang pen, pencil,
o marker. Sinusuportahan ng Notebook
ang Samsung S Pen, Google Pixelbook Pen, at iba pang stylus
para sa karanasan sa pag-sketch nang walang abala. I-tap ang "Higit pa"
sa sketch card para hanapin ang mga opsyon na i-duplicate ang iyong mga sketch.
Listahan ng mga note
Nakalagay rito ang lahat ng iyong note na nakaayos ayon sa petsa ng pagbabago. Nagbibigay ang Notebook
ng view na grid at view na listahan
para matingnan ang iyong mga note. Mag-toggle sa pagitan ng mga view sa pamamagitan ng pag-tap sa ’ icon ng ‘List / Grid na nasa kanang sulok sa itaas.
Mga grupo ng Note Card
Mag-stack ng mga note sa loob ng notebook para makagawa ng mga grupo ng note card. Sa view na listahan o view na grid,
pumili ng maraming note
at mag-tap sa "Higit pa" at piliin ang "Grupo" para makagawa ng mga grupo ng note card.
Maaari ka ring mag-pinch ng dalawang note papalapit sa isa’t isa para
makitang magdikit ang mga ito gaya ng magnet upang makagawa ng grupo.
Lahat ng karagdagan
-
Magtalaga ng mga kulay sa iyong mga note card para manatiling maayos.
- I-lock ang iyong mga note gamit ang Sensor ng Fingerprint.
- Ibahagi ang iyong mga note sa pamamagitan ng email at iba pang opsyon.
- Mag-export ng mga note bilang PDF at ibahagi ang mga ito sa ibang tao.
- Ilipat / Kopyahin ang iyong mga note sa pagitan ng mga notebook.
- Mag-swipe ng note pakaliwa para markahan ito bilang paborito.
- I-tap ang icon ng "Paalala" sa loob ng note para magtakda ng paalala.
I-sync ang iyong mga note
Gumawa ng note sa isang device at magdagdag dito mula sa isa pang device. Gumawa ng
LIBRENG
account sa Zoho at ma-enjoy ang isang karanasan sa paggawa ng note nang walang abala
sa lahat ng device.
Maa-unlock ang mga smart card kapag gumawa ka ng iyong account sa Zoho.
Mga smart card
Mag-save ng link ng recipe at pagkatapos ay awtomatikong hahanapin ng Notebook ang
larawan at paglalarawan ng recipe,
gagawa ng checklist para sa mga sangkap, at ibibigay ang sunud-sunod na
tagubilin sa pagluluto. Maghanap
ng mga sinusuportahang website ng recipe
dito. Nagpapakita sa iyo ang Notebook ng
preview na video para sa mga link ng youtube at vimeo, at sinisimulan
itong i-play ng Notebook sa isang espasyong walang abala kapag binuksan mo ito. Lalabas
sa harap at gitna ang headline o pamagat ng pahina,
kasama ang pangunahing imahe, kapag
nagbahagi ka ng link sa Notebook.
Web Clipper ng Notebook
Gamitin ang Mga Web Clipper ng Notebook na available para sa
Safari,
Chrome at
Firefox para mag-clip ng text,
mga imahe, at mga buong artikulo mula sa web. Gamitin ang View na Malinis
para sa higit pang nakatuon na pagbabasa at gamitin ang I-save sa
Notebook para ipagpatuloy ang pagbabasa sa iyong mobile device.
Maaari kang kumuha ng mga screenshot at mag-drag at mag-drop ng mga imahe mula sa web para
gumawa ng mga note.
Mga Resource
I-tap ang seksyong "Tulong at Feedback" sa navigation drawer
para gamitin ang form ng feedback sa app upang isumite sa amin ang
iyong feedback. Maaari kang sumulat
sa amin sa
support@zohonotebook.com.
Kumonekta sa iba pang user ng Notebook sa pamamagitan ng aming
mga forum. Mag-browse sa aming
mga blog para malaman ang higit pang detalye
tungkol sa bawat update ng Notebook.